^

PSN Palaro

Pacquiao patok sa pustahan vs Bradley

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nananatiling paboritong manalo si eight-division world boxing champion Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley Jr. base sa online betting ng lootmeister.com.

Pabor ang tayaan kay Pacquiao na may -320 habang si Bradley ay may +240.

Maraming naniniwala na magwawagi ang Pinoy boxing hero kontra kay Bradley sa kanilang bakbakan sa Abril 9 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang ikatl­ong pagkakataon na mag­haharap sina Pacquiao at Bradley.

Sa ka­nilang unang paghaharap noong 2012, nagwagi si Bradley via split decision su­balit nakabawi si Pacquiao noong 2014 sa bisa naman ng una­nimous decision win.

Sinasabing ito na ang hu­ling laban ni Pac­quiao sa kanyang ka­rera.

“The mo­tivation is clear--for him to go out on a high note against a quality fighter,” nakasaad sa ulat ng lootmeister.com. “Pacquiao obviously wants to end his legendary career on a positive note.”

Ilang buwan ding nagpahinga si Pacquiao matapos matalo kay Floyd Mayweather Jr. noong Mayo ng nakaraang taon via unanimous decision.

Kaya’t inaasahang gigil si Pacquiao na makabalik sa ibabaw ng ring upang maibalik ang ningning sa kanyang kamao.

Sa kabilang banda, si Bradley ay galing sa dalawang sunod na panalo noong nakaraang taon.

Tinalo nito si Jessie Vargas noong Hunyo via unanimous decision kasunod ang impresibong technical knockout win kay Brandon Rios noong Nob­yembre.

“A ge­nuinely-improved Bradley could give this version of Pacquiao some major issues. Against Rios, he looked more energetic, was bouncier on his toes, and just had an overall increased crispness,” ayon pa sa ulat.

ACIRC

AGAINST RIOS

BRADLEY

BRANDON RIOS

FLOYD MAYWEATHER JR.

GRAND ARENA

JESSIE VARGAS

LAS VEGAS

PACQUIAO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with