MANILA, Philippines – Inihayag ng Philippine Swimming League (PSL) ang mga kandidato sa Rookie of the Year, Most Improved Swimmer at Coaches of the Year para sa PSL Annual Awards Night na gaganapin sa susunod na taon.
Kasama sa mga pinagpipilian sa Rookie Of The Year sina Estelle Margaret Mendez at Heather Linasan White sa girls, at sina Ruben William White, Master Charles Janda at Trump Christian Luistro sa boys.
Nasa listahan naman ng Most Improved Swimmer sina Aubrey Tom, Paula Carmela Cusing, Kim Endozo, Marie Joe Borres at Ehm Ahmadelle Alavi-Chafi sa girls, at sina Marc Bryan Dula, Joey Del Rosario, Lee Grant Cabral, Marcus Faytaren, Morie Rylan Pabalan at Jennuel Booh De Leon sa boys.
Nangunguna para sa karangalan sa Coach Of The Year si 2014 awardee Edwin Valdez ng Cavite Sailfish kasama sina Ryan Robles, Alfredo Mascardo, Jr., Jeffrey Medrano, Joselito Andaya, Joel Villa at Manny De Leon.
Nauna nang isiniwalat ang mga kandidato sa Swimmer of the Year sa pangunguna nina Sean Terence Zamora ng University of Santo Tomas (boys) at Micaela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque (girls).
Ang iba pang kandidato para sa naturang parangal ay sina Kyla Soguilon, Charize Juliana Esmero, Joy Rodgers at Aubrey Tom (girls), at sina Dula, Drew Benett Magbag, Ferdinand Ian Trinidad, Jux Keaton Solita, Paul Christian King Cusing at Lans Rawlin Donato.