2015 Qatar Masters Open So may misyon vs Norwegian GM
MANILA, Philippines – Target ni Grandmaster Wesley So na muling umangat sa unang puwesto sa pakikipagtuos nito laban kay GM Magnus Carlsen ng Norway sa sixth round ng 2015 Qatar Masters Open na ginaganap sa Aspire Zone sa Doha, Qatar.
Matapos ang fifth round, hawak ni Carlsen ang solong liderato tangan ang 4.5 puntos habang nakatali sa ikalawang puwesto si So kasama ang pito pang manlalaro taglay ang tig-apat na puntos.
Nasa No. 2 spot din sina GM Sergey Karjakin ng Russia, GM Vladimir Kramnik ng Russia, GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan, GM Dariusz Swiercz ng Poland at GM Yu Yangyi ng China.
Nagpatupad ng isang araw na pahinga ang mga organizers upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Nakatakda ring magharap sa sixth round sina Kramnik at Mamedyarov, Giri at GM Surya Shekhar Ganguly ng India, Karjakin at Swiercz at sina Li at Yu.
Ang iba pang interesanteng bakbakan ay sa pagitan nina GM Vladimir Fedoseev ng Russia at GM P Harikrishna ng India, GM Dmitry Jakovenko ng Russia at GM Viktor Bologan ng Moldova, GM Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam at GM Nikita Vitiugov ng Russia, GM Radoslaw Wojtaszek ng Poland at GM Sanan Sjugirov ng Russia, at GM Mohammed Al-Sayed ng Qatar at GM Ruslan Ponomariov ng Ukraine.
- Latest