Wesley nakisosyo sa Qatar Masters Open

MANILA, Philippines – Pinataob ni Grand Ma­s­ter Wesley So si GM Vladimir Akopian ng Armenia sa fourth round upang muling makisalo sa liderato sa 2015 Qatar Masters Open kahapon sa Aspire Zone sa Doha, Qatar.

Pinasuko ni So si Akopian sa pamamagitan ng 48 moves ng Slav Defense para pagandahin ang kanyang rekord sa 3.5 puntos.

Kasama ni So sa una­han sina GM Anish Giri ng Netherlands, GM Li Chao ng China, GM Magnus Carlsen ng Norway at GM Maxim Matlakov ng Russia hawak ang pare-parehong 3.5 puntos.

Nauwi sa draw ang la­­­ban nina Giri at Li, habang nanaig sina Carlsen at Matlakov laban kina GM Jan-Krzysztof Duda ng Po­land at GM Alexandra Kosteniuk ng Russia, ayon sa pagkakasunod.

Sasagupain ni So sa fifth round si Giri habang mag­tutuos sina Carlsen at Li, Matkov at Kramnik, Karjakin at GM Daniil Dubov, Mamedyarov at GM Denis Khimatullin ng Russia, Yu at Xu, at sina Wojtaszek at GM Viktor Bolohan ng Mol­dova.

Show comments