^

PSN Palaro

Belo, Tolomia at Pogoy babanderahan ang FEU-Phoenix Petroleum sa D-League

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa huling pagkakataon ay tutulungan nina gradutaing players Mac Belo, Mike Tolomia at Roger Pogoy ang kanilang mga Far Eas­tern University teammates sa kampanya sa darating na PBA D-League.

Kakatawanin ng Tamaraws ang Phoenix Petroleum sa PBA D-League Foundation Cup na bubuksan sa Enero ng susunod na taon.

Ayon kay FEU athletic director Mark Molina, sina Be­lo, Tolomia, Pogoy at tatlo pang graduating pla­yers ang tutulong sa Phoenix Petroleum.

Ang tatlo pang gradua­ting players ng FEU ay si­na Russell Escoto, Archie Iñigo at Alfrancis Tamsi.

Idinagdag ni Molina na hindi nila pipigilan ang si­numang FEU player na mag­laro sa ibang koponan sa PBA D-League.

“If they have another team who has a better offer, it’s a free country, they can choose if they want to move. Walang problema sa amin ‘yan. But they have already signified their intention to play for Phoenix,” wi­ka ni Molina.

Bukod sa Phoenix Pe­troleum ay makikipag-ensayo rin si Belo sa Gilas Pilipinas simula sa Enero.

Makakasama ng 6-foot-5 na si Belo sa pakikipag-ensayo sa Gilas Pilipinas ni coach Tab Baldwin sina dating collegiate stars Kie­fer Ravena ng Ateneo at Kevin Ferrer ng University of Sto. Tomas.

Inihahanda ni Baldwin ang Nationals para sa 2016 World Olympic Qualifier na magkakasabay na itatakda sa Hulyo para sa nakata­yang 2016 Rio Olympic berth

Ipaparada rin ng FEU-Phoenix Petroleum ang iba pang Tamaraws na si­­na Raymar Jose, Richard Escoto at Ron Dennison.

Bagama’t kasama si Ra­cela sa coaching staff ng FEU-Phoenix Petroleum ay si Eric Gonzales ang ta­tayong head coach ng ko­ponan sa D-League.

ACIRC

ALFRANCIS TAMSI

ANG

ARCHIE I

BELO

D-LEAGUE

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ENERO

GILAS PILIPINAS

PHOENIX PETROLEUM

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with