RTU at UP hinirang na kampeon sa National Softball Inter-Collegiate

MANILA, Philippines – Itinanghal na kampeon ang Rizal Technological University at University of the Philippines sa 2015 National Soft­ball Inter-Collegiate Championship.

Pinatumba ng RTU ang Polytechnic University of the Philippines sa ben­dis­yon ng 3-2 panalo sa finals upang masungkit ang korona sa men’s division.

Pinasuko ni pitcher Richfield Custodio ang anim na batters ng PUP upang pangunahan ang ma­tikas ang kampanya ng RTU.

Napasakamay ni Custodio ang Most Valuable Player award habang ibinigay naman kay Reynaldo Gaban ang Most Stolen Base trophy.

Nakuha ni Arnel Arieta ang Best Slugger at Most Home Runs samantalang si Zelbert Enriquez ang gi­nawarang Best Pitcher.

Nakisalo sa selebras­yon ang UP nang igupo ang PUP, 3-2, para kubrahin ang korona sa wo­men’s class ng torneong inorganisa ng Amateur Softball Association of the Philippines.

Naibulsa ni Cochise Diolata ng UP ang MVP award, habang ang isa pang awardee ay si Irene Lumanas ng University of Min­danao Davao (Best Pit­cher at Best Hitter).

Show comments