PWU kampeon sa WBL

MANILA, Philippines – Dalawang kabiguan ang ipinalasap ng Chiang Kai Shek College at St. Paul-Pasig sa De La Salle-Zobel School, habang nagreyna naman ang Phi­lippine Women’s University sa premier 25-years and Under class ng katatapos na 28th Women’s Basketball League na itinataguyod ng Milo sa Xavier School gym.

Sumandal ang PWU kay MVP  Charlene Camba sa 48-40 paggupo sa Polytechnic University of the Philippines, para angkinin ang 25-U crown.

Tinalo naman ng Enderun Colleges ang University of Santo Tomas, 34-33, para sa third place.

Inungusan ng St. Paul-Pasig ang DLS-Z, 33-31, patungo sa pagsakmal sa 13-Under Division championship ng torneong inorganisa ng multi-awarded Best Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center) ni dating national coach Nic Jorge.

Pinabagsak naman ng Chiang Kai Shek College ang DLS-Z, 39-49, sa 17-U Competitive Division final.

Inilampaso ng New Era High School ang St. Stephen’s High School, 37-16 para kunin ang 17-U Deve­lopmental Division crown.

Show comments