Nuggets pinasabog ang Rockets

Dinakdakan ni Will Barton ng Nuggets si Donatas Montiejunas ng Rockets.

DENVER – Isinalpak ni Will Barton ang isang one-handed dunk at tumapos na may 23 points, kasama rito ang dalawang game-sealing free throws.

Ang kanyang hindi mali­limutang sandali ay ang paghahagis niya ng sapatos sa court na nagresulta sa kanyang technical foul dahil sa  delay.

Ang naturang insidente ang muntik nang magpatalo sa Denver Nuggets bago talunin ang Houston Ro­ckets, 114-108.

“That’s how the game goes sometimes: Might have to make a 3-pointer - or throw somebody’s shoe in the crowd,” sabi ni Barton.

Nahubad ang sapatos ni Trevor Ariza ng Rockets sa huling 4:53 minuto ng laro kung saan nabaon ang Houston ng 15 points.

Dinampot ni Barton ang sapatos ni Ariza at ibinato sa labas ng court.

Bunga ng technical foul kay Barton ay nakabangon ang Rockets para makalapit sa 108-110 agwat at nagkaroon ng tsansang maagaw ang kalamangan.

Ngunit naimintis ni Jason Terry ang kanyang 3-pointer sa natitirang 15.9 segundo.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Nuggets sa Rockets sa kanilang season series.

“I’ve seen guys take that sneaker and throw it 15 rows into the stands,” wika ni Nuggets coach Michael Malone. “Will just threw it off the field of play.”

Tumapos si James Har­den na may 24 points para sa Rockets, kasama rito ang lima sa kanilang season-high na 18 3-poin­ters.

Sa iba pang resulta, ti­nalo ng Miami Heat ang Atlanta Hawks, 100-88; pinatumba ng Indiana Pa­cers ang Toronto Raptors, 106-90; giniba ng Orlando Magic ang Brooklyn, 105-82; dinaig ng Chicago Bulls ang Philadelphia 76ers, 115-96; pinigilan ng Memphis Grizzlies ang Washington Wizards, 112-95; dinurog ng San Antonio Spurs ang Utah Jazz, 118-81; pinabagsak ng Portland Trail Blazers ang New Orleans Pelicans, 105-101 at ginitla ng Los A­ngeles Clippers ang Detroit Pistons, 105-103.

Show comments