^

PSN Palaro

PBA ‘di kukunsintihin ang paninigarilyo ni Chua sa bench

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi kukunsintihin ng Philippine Basketball Association ang paghithit ni Barangay Ginebra team governor Alfrancis Chua ng e-cigarette habang nasa bench sa laro ng Gin Kings laban sa Blackwater Elite noong Disyembre 5 sa Angeles, Pampanga.

Matatandaang kumalat sa social media ang video ng paghithit ni Chua ng e-cigarette habang nasa bench ng Ginebra.

“Any infraction of any player, they come in, we fine them, and  it’s over. Rest assured we are responsible people in this association. In the 41 years, hindi pababa­yaan ng Board yan,” sabi ni PBA Commissioner Chito Narvasa.

Idinagdag ni Narvasa na ang mga team officials at players ay nagsisilbing role models sa mga manonood kaya dapat lamang na maging maayos ang kanilang mga gagawin sa loob at labas ng court.

Humingi naman ng pa­umanhin si Chua sa kanyang nagawa.

“I advised him. Sabi ko sa kanya, alam mo Alfrancis, you, being a team governor, there are going to be a lot of implications. I guess you know that,” wika ni Narvasa. “Yung paninigarilyo, they think of it as detrimental talaga. Sabi ko sa kanya, ‘I hope that you can stop it during games.’”

“He was very, profusely apologetic. Sabi niya, ‘comm, alam kong mali ako. Sorry talaga hindi na mauulit,’  dagdag pa nito.

Kung muling mangyayari ito ay tatawagan na ng technical foul si Chua at maaari pang mapatalsik sa laro, ayon sa PBA Commissioner.

ACIRC

ALFRANCIS

ALFRANCIS CHUA

BARANGAY GINEBRA

BLACKWATER ELITE

CHUA

COMMISSIONER CHITO NARVASA

GIN KINGS

NARVASA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

SABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with