Akhuetie, Avenido nagbida sa FEU-NRMF
MANILA, Philippines – Nagtuwang sina import Bright Akhuetie at dating PBA player Leo Avenido para ihatid ang FEU-NRMF sa 71-70 panalo kontra Hobe Cars- Unlimited sa single round-robin semifinals ng 5th DELeague Basketball Tournament noong Martes ng gabi sa Marikina Sports Center, Marikina City.
Kumamada sina Akhuetie at Avenido ng tig-17 points para sa ikalawang panalo ng Tamaraws sa semifinal round at hangad mawalis ang Final Four para makakuha ng ‘twice-to-beat advantage sa finals.
Bumandera para sa Hobe Bihon-Cars Unlimited si Bonbon Custodio na may 13 points at 5 rebounds kasunod ang tig-10 markers nina Rondrigue Ebondo at ex-pro Sunday Salvacion
Nakatakdang labanan ng FEU-NRMF ngayong alas-7 ng gabi ang Philippine Christian University na tinisod ng Sta. Lucia Land Inc. 88-76.
Pinangunahan ni Kiko Adriano ang Realtors sa kanyang 23 points, habang nagtala ng 16 markers si Japs Bautista para kanilang 1-1 rekord.
Humugot naman ng 21 puntos si Mike Ayonayon para sa Dolphins (0-2).
Ang koponan na makakawalis sa Final Four ay mabibiyayaan ng ‘twice-to-beat’ advantage sa finals laban sa mananalo sa semis series.
- Latest