UST bumandera sa general championships

MANILA, Philippines – Sa kabila ng kabiguang ma­kuha ang korona sa men’s basketball, nanatili pa rin sa unang puwesto ang nagdedepensang University of Sto. Tomas sa karera ng UAAP Season 78 gene­ral championship.

Nakalikom ang Grow­ling Tigers ng 155 puntos matapos magkampeon sa men’s taekwondo, poomsae at women’s judo.

Pumangalawa sila sa men’s judo, women’s taek­wondo, men’s beach volley­ball, men’s table tennis at men’s basketball.

Nasa ikalawang puwes­to ang De La Salle University (153 puntos) na nagdo­mina sa men at women’s table tennis at sa women’s beach volleyball.

Pumapangatlo ang Ate­neo (140) kasunod ang season host University of the Philippines (115).

Show comments