2nd Pacquiao Random Chess sa December 12

MANILA, Philippines – Ang mga matinding galaw at bigating maneobra ang matutunghayan sa pagsulong ng 2nd Manny Pacquiao Random Chess Tournament sa Sabado sa SM Mall sa General Santos City.

Ang mga naunang nagpatala ay sina Grand Masters Joey Antonio, Darwin Laylo, Richard Bitoon at Jayson Gonzales.

Inaasahang lolobo pa ang bilang ng mga kalahok sa nasabing nine-round Swiss System tournament na itinataguyod ni boxing sensation Manny Pacquiao at may premyong P1.5 milyon.

Ang iba pang sasali sa torneong inorganisa ng MP Chess Organization na pinamumunuan ni chess legend Eugene Torre ay sina International Masters Emmanuel Senador. Rolando Nolte, Jan Emmanuel Garcia, Barlo Nadera, Ronald Dableo, Joel Pimentel, Kim Steven Yap at Yves Ranola at ilan pang titled players.

Show comments