Cignal bumandera sa Game 3 para sa korona ng Spikers’ Turf

MANILA, Philippines – Naiselyo ng Cignal HD TV ang 25-17, 32-30, 25-23 panalo laban sa Air Force upang maibulsa ang korona ng Spikers’ Turf Season 1-Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City

Nakakuha ng lakas ang Cignal kay University of Southern Philippines Foundation-Cebu star Ed­ward Ybañez nang pu­malo ng 13 puntos para bit­bitin ang HD Spikers sa come-from-behind  2-1 win sa serye.

Nanaig ang Air Spi­kers sa Game One, 25-15, 19-25, 25-19, 25-19, suba­lit naitabla ng HD Spi­kers ang serye matapos ilista ang 25-16, 25-17, 25-18 pa­nalo sa Game Two ba­go tuluyang angkinin ang korona sa Game Three.

Itinanghal na Finals Most Valuable Player si Yba­ñez.

“It was happy we deci­ded to get him on board,” turan ni Cignal head coach Michael Cariño.

Bukod kay Ybañez, pi­nuri rin ni Cariño ang ka­nilang solidong depensa matapos magtala ng kabuuang siyam na blocks tampok ang tatlo mula kay Edmar Bonono.

Umiskor si Bonono ng kabuuang 10 puntos, habang nagdagdag rin ng 10 si Lorenzo Capate Jr. para sa HD Spikers.

Kinatigan ng suwer­te sa pagkakataong ito si Ybañez na bigong ma­kakuha ng titulo sa CESA­FI.

Show comments