TORONTO – Gustung-gusto ni Stephen Curry na naglalaro sa Toronto, at ito ay kanyang ipinakita.
Nagsalpak si Curry ng siyam na 3-pointers at tumapos na may 44 points para igiya ang nagdedepensang Golden State Warriors sa 112-109 panalo laban sa Raptors.
Kumonekta si Curry ng 14-for-24 fieldgoal shooting at nagtala ng 9-for-15 clip sa 3-point line para sa kanilang NBA-record start na 21-0.
Naglista ang NBA MVP ng average na 30 points sa kanyang anim na career games sa Toronto kung saan inilaro ng kanyang amang si Dell ang huling tatlong seasons niya.
“I have great memories of being here watching my dad play. I got some shots up on that rim for three years every game night,” sabi ni Curry.
Nagdagdag si Klay Thompson ng 26 points para sa Warriors at naglista si Draymond Green ng 16 points, 9 rebounds at 6 assists.
Sa bitbit na 25 sunod na regular-season wins, tangan ng Warriors ang third-longest streak sa NBA history sa ilalim ng 1971-72 Los Angeles Lakers (33) at 2012-13 Miami Heat (27).
Sa iba pang resulta, tinalo ng Miami Heat ang LeBron James-less Cleveland Cavaliers para kunin ang 99-84 panalo; binigo ng Utah Jazz ang Indiana Pacers, 122-119; dinaig ng San Antonio Spurs ang Boston Celtics, 108-105; nilupig ng Milwaukee Bucks ang New York Knicks, 106-91; pinigil ng Houston Rockets ang Sacramento Kings,120-113; pinatumba ng Charlotte Bobcats ang Chicago Bulls, 102-96 at ginitla ng Denver Nuggets ang Philadelphia 76ers, 108-105.