^

PSN Palaro

Pumaren nangako ng UAAP title sa Falcons

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pa man niya si­ni­simulan ang kanyang tra­baho bilang bagong coach ng Falcons ay nangako na si Franz Pumaren na ka­­pana-panabik na UAAP season para sa Adamson.

“Rest assured, its going to be an exciting Adamson team next season,” wika ni Pumaren kahapon matapos na opisyal na hirangin bi­lang bagong mentor ng San Marcelino-based team sa susunod na tatlong taon.

Tinulungan ng 51-an­yos na si Pumaren ang La Salle Green Archers sa apat na sunod na korona sa UAAP simula noong 1998 hanggang 2001.

Hangad ni Pumaren na maibigay sa Falcons ang titulo.

“We’ll make sure each year it’s going be competitive and I’m not going to be a hypocrite, we’re here to give Adamson a cham­pionship,” sabi ni Pumaren, pu­malit kay interim coach Mike Fermin.

Naibigay ni Pumaren ang pang-limang UAAP title ng Green Archers noong 2007 bago mag-coach sa PBA.

Makakasama ni Pu­maren sa bench ng Falcons sina long-time assistants Tonichi Yturri at Jack Santiago para makatuwang si Fermin, iginiya ang Adamson sa 3-11 record sa katatapos na Season 78.

Makakatulong din ni Pumaren sina dating PBA at La Salle players Ren Ren Ritualo, Jr. at Don Alla­do.

Huling nagkampeon ang Falcons sa UAAP no­ong 1977 sa pangunguna ni legendary point guard Hector Calma.

ACIRC

ADAMSON

DON ALLA

FRANZ PUMAREN

GREEN ARCHERS

HECTOR CALMA

JACK SANTIAGO

LA SALLE

LA SALLE GREEN ARCHERS

PUMAREN

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with