^

PSN Palaro

Leonard pumukol ng pitong tres

Pilipino Star Ngayon

MEMPHIS, Tenn. -- Ipi­na­kita ni Kawhi Leonard sa Memphis Grizzlies kung bakit siya nahahanay sa top 3-point shooters sa NBA nga­yon.

Umiskor si Leonard ng 27 points, tampok ang 7-for-9 shooting sa 3-point range, para tulungan ang San An­tonio Spurs sa 103-83 pag­gupo sa Grizzlies.

‘’I’ve been confident in it,’’ sabi ni Leonard, may 46 percent clip sa 3-point line. ‘’Tonight, I got hot so I kept shooting until I missed. Shots just fell for me.’’

Ang naturang career-high na pitong tres ni Leo­nard ay bahagi ng 10-of-18 clip ng Spurs sa 3-point area.

Nagdagdag si guard Tony Parker ng 17 points, 7 rebounds at 5 assists para sa pang-pitong panalo ng San Antonio sa kanilang huling walong laro.

Nag-ambag naman si LaMarcus Aldridge ng 18 markers kasunod ang 13 ni Manu Ginobili.

Tumipa sina Mike Conley, Marc Gasol at Mario Chalmers ng tig-15 points pa­ra sa Memphis, habang may 10 naman si Jeff Green.

Ang mga tres ni Leo­nard ang nakatulong sa San Antonio  para makapagtayo ng 15-point lead sa second half.

Ibinaon pa ng Spurs ang Grizzlies sa pamamagitan ng 23-point advantage sa fourth quarter.

Sa Miami, umiskor si Dwyane Wade ng 28 points, kasama rito ang da­­lawang krusyal na free throws sa huling 1.5 segun­do, para tulungan ang Heat sa 97-95 paglusot sa Oklahoma City Thunder kung saan naglaban sila sa 38 lead changes at 11 deadlocks.

Nagdagdag naman si Chris Bosh ng 16 points, habang may 14 si Goran Dragic at 12 si Josh Mc­Roberts para sa Miami, na­lampasan ang mintis na tres ni Russell Westbrook sa pagtunog ng final buzzer.

Nagposte sina Westbrook at Kevin Durant na may tig-25 markers sa pa­nig ng Oklahoma City, hindi naipasok ang dalawang tres sa huling 10 segundo.

Sa Toronto, kumamada si Will Barton ng 22 points at nagdagdag ng 21 si Danilo Gallinari para igiya ang Denver Nuggets sa 106-105 panalo laban sa Raptors at wakasan ang kanilang eight-game losing slump.

Nagtala si Joffrey Lauvergne ng 14 points at 10 re­bounds para sa Nuggets, naglista ng 18-of-18 foul shots.

Sa Mexico City, kumo­lekta si Isaiah Thomas na may 21 points para pamunuan ang Boston Cel­tics sa 114-97 panalo laban sa dati niyang koponang Sacramento Kings sa regular game ng NBA dito.

ACIRC

ANG

BOSTON CEL

CHRIS BOSH

DANILO GALLINARI

DENVER NUGGETS

DWYANE WADE

PARA

POINTS

SAN ANTONIO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with