Power Innovation, Metro Pacific Toll wagi

MANILA, Philippines – Nagpakatatag sa endgame ang Power Innovation Philippines para maitakas ang 80-78 panalo laban sa Macway Travels sa pagpapatuloy ng quarterfinals sa 5th DELeague Basketball Tourtnament sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Sa kabilang banda, pinabagsak ng Metro Paficif Toll Corporation ang Mindanao Agilas, 98-94 sa  isa pang quarterfinals match.

Ibinandera ni Alwell Orae­me, hinirang na MVP at Rookie of the Year sa NCAA, ang Power Innovations sa tinapos na 26 puntos at 14 rebounds habang nagsumite naman ang kakamping si Ronald Roy ng 14 puntos at 4 rebounds.

Show comments