^

PSN Palaro

Perkins top pick ng Racal sa D-League Draft

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinasabing si Jason Perkins ng La Salle Green Archers ang pipiliin ng Racal/Keramix bilang No. 1 overall pick para sa 2015 PBA D-League Rookie Draft ngayong hapon sa Metro Walk sa Pasig City.

Nauna nang sinabi ni Racal/Keramix coach Caloy Garcia na kailangan nila ng isang malakas na sentro para sa kampanya sa 2016 PBA D-League Aspirants Cup.

“We need a big man,” sambit ni Garcia sa inaasahang pagkuha nila sa 6-foot-4 Fil-American forward ng Green Archers.

Si Perkins, natulungan ang La Salle na makapasok sa Final Four ng 78th UAAP men’s basketball tournament, ay isa lamang sa kabuuang record na 189 aspirante sa D-League Rookie Draft.

Matapos ang Racal/Keramix ay ang AMA Computer ang pipili sa No. 2 overall pick at interesado si Mark Herrera kay 6’6 Ateneo Blue Eagles center Alfonso Gotladera.

Ngunit titingnan din ni Herrera ang ibang Fil-fo­reign players.

Isa si 6’2 Fil-Am guard Avery Scherer, iginiya ang Asean Basketball League sa assists at steals sa nakaraang season, sa 22 Fil-fo­reign players na inaasa­hang mahuhugot sa first round.

Ang third pick ay bitbit naman ng Tanduay Light  kasunod ang Foundation Cup champion na Café France at Wangs Basketball.

Idedetermina naman sa hanay ng UP-QRS/Jam Liner, Mindanao Aguilas, National University at Phoenix Petrolium ang kukuha sa sixth hanggang ninth place sa pamamagitan ng lottery.

Ang iba pang first round prospects ay sina Von Rolfe Pessumal ng Ateneo, Julian Sargent ng De La Salle at Fil-Canadian Taylor Wi­therell.

ACIRC

ALFONSO GOTLADERA

ANG

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

ATENEO BLUE EAGLES

AVERY SCHERER

CALOY GARCIA

D-LEAGUE ASPIRANTS CUP

DE LA SALLE

KERAMIX

RACAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with