^

PSN Palaro

Villanueva, Melindo wagi sa Pinoy Pride 34

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakuntento na lamang sina Filipino boxers “King” Arthur Villanueva at Milan Melindo sa split decision victories kontra sa kanilang mga hinarap sa main card ng Pinoy Pride 34 noong Sabado ng gabi sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City.

Tinalo ni Villanueva, nanggaling sa kabiguan kay McJoe Arroya sa isang IBF super flyweight title match, si Mexican Victor Mendez mula sa nakuhang 116-112 at 117-111 puntos sa dalawang judges.

Ang ikatlong judge ay nagbigay kay Mendez ng 115-113.

Itinaas ni Villanueva ang kanyang ring record sa 28-1 ngunit nabigong ma­­pabagsak si Mendez na inaabangan ng kanyang mga kababayan.

Sa kabila nito ay nakuha pa rin ni Villanueva ang bakanteng WBC international super flyweight title.

Nalusutan naman ni Melindo ang matinding hamon ni Mexican Victor Emmanuel Olivo bago maitakas ang split decision, 94-96, 96-94  at 96-94 sa kanilang flyweight bout.

Walang alam si Melindo tungkol kay Olivo na naging late replacement para kay Carlos Fontes.

Nakabangon si Melindo mula sa isang technical decision loss kay Javier Mendoza, may 33-2 record ngayon, noong Mayo.

Samantala, pinatulog naman ni AJ Banal si Emilio Norfat sa second round, habang pinatigil ni Rocky Fuentes si Indonesian Afrizal Tamboresi sa second round ng kani-kanilang eight-round bout.

ACIRC

ARTHUR VILLANUEVA

CARLOS FONTES

EMILIO NORFAT

HOOPS DOME

INDONESIAN AFRIZAL TAMBORESI

JAVIER MENDOZA

LAPU-LAPU CITY

MELINDO

MENDEZ

VILLANUEVA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with