Mexican pug maliligo ng suntok kay Donaire

“I don’t really know if he [Ce­sar Juarez ng Mexico] can take my punches but I’m sure he won’t see where my punches will be coming from and that’s when he’ll get into trouble,” ani Nonito Donaire Jr. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Sabik na sabik na si dating IBF/IBO flyweight, interim WBA superflyweight, WBO/WBC bantamweight, IBF/WBO superbantamweight at WBA featherweight champion Nonito Donaire Jr. na mu­ling makapagsuot ng world boxing crown.

At mangyayari ito kung tatalunin niya si Ce­sar Juarez ng Mexico sa isang 12-round bout para sa bakanteng WBO 122-pound crown sa Dis­yembre 11 sa Roberto Clemente Coliseum sa San Juan, Puerto Rico.

“I don’t really know if he can take my punches but I’m sure he won’t see where my punches will be coming from and that’s when he’ll get into trouble,” ani Donaire.

Hindi pa nananalo ng anumang titulo ang 33-an­yos na si Donaire matapos isuko ang kanyang WBA featherweight belt kay Nicholas Walters mula sa isang sixth round stoppage sa Carson City, California noong October 2014.

Nakamit ni Donaire ang una niyang world crown noong 2007 kasunod ang pagdagdag ng tatlo pa sa kanyang mga koleksyon, kasama rito ang interim recognition sa WBA bilang isang superflyweight.

Tinanggalan si Cuban Guillermo Rigondeaux ng kanyang suot na WBO belt dahil sa inactivity.

Mula sa pagiging isang title eliminator ay paglalaba­nan na nina Donaire at Juarez ang bakanteng WBO title.

Abala ngayon si Donaire sa training kasama ang amang si Nonito Sr. sa Top Rank Gym sa Las Vegas.

Ang kanyang mga sparmates ay sina lightweight Fred Bowen ng Jackson, Tennessee at superfeatherweight Fidel Navarrete ng Highland, Indiana.

Show comments