Para sa NBA best record na 16-0 Warriors tinambakan ang Lakers ng 34-pts

Nag-usap muna sina Stephen Curry ng Golden State at Kobe Bryant ng Los Angeles sa center court bago simulan ang kanilang laro sa Oracle Arena sa Oakland, California kahapon. Tinalo ng Warriors ang Lakers para sa kanilang pang-16th dikit na ratsada na tumabon sa dating NBA best record na 15-0 ng Washington Capitols noong 1948-49 at ng Houston Rockets noong 1993-94.

OAKLAND, California – Tuluyan nang nagtala ang defending champion Golden State Warriors ng record para sa best start sa NBA history sa 16-0 nang umiskor si Stephen Curry ng 24 points at 9 assists sa kanilang 111-77 pagdurog sa Los Angeles Lakers.

Sa pansamantalang pagkawala ni coach Steve Kerr, nilampasan ng Warriors ang 15-0 starts ng Wa­shington Capitols noong 1948-49 at ng Houston Rockets noong 1993-94.

Nalaglag ang mga confetti sa sahig nang tumunog ang final buzzer kung saan hindi halos nakapagdiwang ang mga Golden State players.

Nagdagdag si Draymond Green ng 18 points, 7 rebounds at 5 assists para sa pagpapalawig ng Warriors sa kanilang franchise-record home winning streak sa 27 games.

Kasalukuyang nagpapagaling si Kerr matapos sumailalim sa dalawang back surgeries.

Si interim Luke Walton, nakakuha ng dalawang NBA title habang naglalaro para sa Lakers, ang kasaluku­yang gumagabay sa Warriors.

Ang Golden State ang naging sixth team sa NBA history na nanalo ng 20 sunod na regular-season games matapos noong nakaraang season.

Ipinahinga ni Walton si Curry sa huling 6.5 segundo sa third period at pinalakpakan ng sellout crowd na 19,596.

Tumipa naman si Klay Thompson ng 11 points para sa Warriors na kinuha ang 27-9 bentahe sa 1:41 minuto sa opening period.

Tumipa si Kobe Bryant ng 1-of-14 fieldgoal shooting para tumapos na may 4 points na siya ng pinakamasamang performance ng kanyang career.

Nahulog ang Lakers sa 2-12 na siyang second-worst record sa NBA.

Sa iba pang laro, tinalo ng Atlanta Hawks ang Boston Celtics, 121-97; pinadapa ng Memphis Grizzlies ang Dallas Mavericks, 110-96; binigo ng Chicago Bulls ang Portland TrailBlazers, 93-88 at pinatumba ng Los Angeles Clippers ang Denver Nuggets, 111-94.

Show comments