Laro Bukas (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Alaska vs NLEX
7 p.m. Rain or Shine vs Barako Bull
MANILA, Philippines – Bumangon ang Talk ‘N Text mula sa six-point deficit sa dehadong Blackwater sa third period para makaiwas sa ikalawang sunod na kamalasan.
Umiskor si Jayson Castro ng game-high na 26 points, habang nag-ambag ng 17 si rookie Troy Rosario kasunod ang tig-16 nina Larry Fonacier at No. 1 overal pick Moala Tautuaa para igiya ang Tropang Texters sa 109-98 panalo laban sa Elite sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Sinabi ni coach Jong Uichico na malaki ang papel na gagampanan ng 6-foot-7 na sina Tautuaa at Rosario sa paghahangad ng Talk ‘N Text sa isang silya sa quarterfinal round.
“Hopefully, we get to the playoffs. We need the two rookies (Tautuaa at Rosario) to be a big part whether it is in rebounding, defense and getting to know their niche in the team,” wika ni Uichico.
Makaraang kunin ng Blackwater ang 56-50 abante sa pagsisimula ng third period ay kumamada naman ang Talk ‘N Text para agawin ang 10-point lead, 78-68, sa pagsasara ng nasabing yugto.
Tuluyan nang iniwanan ng Tropang Texters ang Elite nang iposte ang isang 18-point lead, 94-76, galing sa three-point shot ni Fonacier sa huling 6:35 minuto ng final canto.
“Defense is our primary concern whether team or individual, it still has to be worked on,” ani Uichico.
Binanderahan nina JP Erram at Carlo Lastimosa ang Blackwater, nalasap ang ikatlong dikit na kabiguan, sa kanilang tig-18 markers kasunod ang 13 ni rookie Arthur Dela Cruz at 11 ni Mike Cortez.
Talk ‘N Text 109 – Castro 26, Rosario 17, Fonacier 16, Tautuaa 16, Carey 11, Rosser 8, Williams 6, Miranda 3, Aban 2, Reyes J. 2, Seigle 2, Reyes R. 0.
Blackwater 98 – Erram 18, Lastimosa 18, Dela Cruz 13, Cortez 11, Reyes 9, Ballesteros 8, Cervantes 8, Sena 7, Gamalinda 6, Canada 0, Vosotros 0.
Quarterscores: 24-24; 50-51; 78-68; 109-98.