^

PSN Palaro

PSL Grand Prix Philips inupuan ang 3rd place

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Huwebes (Cuneta Astrodome)

4 p.m.  Petron vs Foton (Finals)

IMUS CITY, Philippines – Bagama’t nabigong makapasok sa Finals ay masaya pa rin ang Lady Slammers sa pag-angkin sa third place trophy.

Muling nagbida sina imports Alexis Olgard at Bojana Todorovic matapos ihatid ang Philips Gold sa 23-25, 25-21, 25-22, 25-17 panalo laban sa Cignal sa classification match ng 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament kahapon dito sa Imus Sports Center.

Kumolekta ang 6-foot-5 na si Olgard, isang middle blocker mula sa University of Southern California, ng 21 hits para tumapos na may 25 points.

Nagposte naman si Todorovic ng 19 kills at 3 blocks para sa kanyang 23 points at tulungan ang Phi­lips Gold na dinuplikahan ang kanilang third-place finish sa nakaraang All-Filipino Conference noong Mayo.

Nauna nang natalo ang Philips sa Foton Tornadoes sa semifinals ng inter-club tournament na inihahandog ng Asics katuwang ang Milo, Senoh, Mikasa at Mueller bilang technical partners at TV5 bilang official broadcaster.

Humakot din si Todorovic, naglaro bilang libero para sa 2011 US NCAA Division I champion na University of California-Los Angeles, ng 23 excellent receptions bukod pa sa 8 digs.

Samantala, binigo naman ng Meralco ang RC Cola-Air Force, 25-21, 20-25, 25-23, 25-20, para pitasin ang fifth place.

vuukle comment

ALEXIS OLGARD

ALL-FILIPINO CONFERENCE

ANG

BOJANA TODOROVIC

COLA-AIR FORCE

CUNETA ASTRODOME

DIVISION I

FOTON TORNADOES

GRAND PRIX

IMUS SPORTS CENTER

LADY SLAMMERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with