^

PSN Palaro

Kings reresbak sa Bolts

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang maaasahang small forward ang ipaparada ng Ginebra, habang hangad ng Barako Bull at Mahindra ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Itatampok ng Gin King si 6-foot-4 Jervy Cruz sa pagharap sa Meralco Bolts ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Energy at Enforcers sa alas-4:15 ng hapon sa 2015 PBA Philippine Cup sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna.

Nakuha ng Ginebra si Cruz matapos dalhin si sophomore forward Rodney Brondial at ang kanilang 2018 second-round draft pick sa Barako Bull sa bisa ng isang trade.

Noong Setyembre ay ibinigay ng Rain or Shine si Cruz sa Globalport para kay 6’6 Jewel Ponferrada.

Kaagad naman siyang dinala sa Energy noong Oktubre 13 bilang kapalit ni 6’6 Rico Maierhofer.

Nagmula ang Gin Kings ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa 82-100 pagyukod sa nagdedepensa at na­ngungunang San Miguel noong Linggo.

Puntirya naman ng Me­ralco ang kanilang kauna-unahang panalo matapos matakasan ng Barako Bull, 106-108, sa kanilang huling laro kung saan kumamada si Gary David ng 40 points.

Ang naturang panalo ang inaasahang gagamitin ng Energy para targetin ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa Enforcers, umiskor ng 103-93 panalo kontra sa NLEX noong Biyernes.

ACIRC

ALONTE SPORTS CENTER

ANG

BARAKO BULL

CRUZ

GARY DAVID

GIN KING

GIN KINGS

GINEBRA

GRAND SLAM

JERVY CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with