Holm pinatumba si Rousey
MELBOURNE, Australia — Nagposte si Holly Holm ng isang malaking upset victory laban kay Ronda Rousey sa UFC 193 matapos pabagsakin ang women’s bantamweight champion sa second round mula sa kanyang malakas na sipa sa ulo ng huli.
Sa first round ay nakakonekta si Holm ng malalakas na suntok sa ulo at mukha ni Rousey.
Tinangka ni Rousey na dominahin ang second round kung saan niya naitulak si Holm sa loob ng ring.
Ngunit isang malakas na sipa ang pinakawalan ng challenger na nagpabagsak sa dating kampeon sa canvas.
Nang mangyari ito ay kaagad siyang nirapido ni Holm (10-0) bago inawat ni referee Herb Dean.
“I had so much love and support I just thought, ‘How can I not do this?’” sabi ni Holm. “This right here is priceless.”
Hindi pa natatalo si Rousey, isang dating judo Olympian, sa kanyang 12 UFC fights bago siya biguin ni Holm, isang veteran female boxer mula sa New Mexico.
“I have to say that everything that we worked on presented itself in the fight. Every grab that she tried to get and clinch on the cage, and I just had help with everything,” wika ni Holm.
“I have not spent this much time in the gym before any fight of my life,” dagdag pa nito.
- Latest