Shakey’s V-League Hurtt, Freeman ibinigay sa PLDT ang twice-to-beat

Shakey’s V-League Hurtt, Freeman ibinigay sa PLDT ang twice-to-beat

Laro sa Nov. 22 (The Arena San Juan City)

12:45 p.m. PLDT vs Kia Forte

3 p.m. Army vs UP

MANILA, Philippines – Gaya ng dapat asahan, ibinigay ni Victoria Hurtt ang kanyang performance sa kinamadang 21-hits na nagtakas sa PLDT Home Ultera sa 25-12, 25-12, 23-25, 25-21 pananaig laban sa Kia Forte at kunin ang twice-to-beat advantage sa semifinals sa pagtatapos ng elimination sa Shakey’s V-League Season 12-Reinforced Conference sa Arena sa San Juan City kahapon.

Gumawa rin si Hurtt, isa sa dalawang imports na tinapik ng PLDT upang palakasin ang kanilang kampanya sa season-en­ding conference ng liga, ng 20 kills na nagbangon sa Ultra Fast Hitters mula sa  third-set deficit na tumapos sa paghahabol ng Kia Forte na makakuha ng playoff sa para sa Final 4.

Nagdagdag ang isa pang import ng Fast Lady Hitters  na si Sareena Freeman ng 15 hits na sinuportahan ng mga locals aces na sina Janine Marciano na may 10 puntos habang naglista sina Aiza Maizo-Pontilla at Sue Roces ng siyam at pitong puntos, ayon sa pagkakasunod para okupahan ang  No. 2 spot sa 4-1 kartada.

Kasalukuyan pang naglalaban ang Army at UP habang sinusulat ito kung saan tangka ng Lady Troopers na ma-sweep ang elims sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Samantala, target naman ng Cignal ang unang finals ticket sa pagsagupa sa PLDT Home Ultera sa Spikers’ Turf Season 1 Reinforced Conference ngayong ala-1 ng hapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagtapos na magkatabla ang HD Spikers at ang Air Force sa magka­tulad nilang 4-1 marka sa single round elims ngunit nalaglag sa No. 2 seeding matapos ang tiebreak.

Taglay ng Cignal ang ‘twce-to-beat’ advantage laban sa Home Ultera.

Lalabanan naman ng Air Force ang mananalo sa laro ng Navy at Instituto Estetico Manila.

Show comments