^

PSN Palaro

Curry humataw ng 46-points Perfect 10 sa Warriors

Pilipino Star Ngayon

MINNEAPOLIS--Hindi  pa rin nababawasan ang init ni Stephen Curry para pangunahan ang nagdedepensang kampeon Golden State sa 129-116 panalo sa Minnesota noong Huwebes sa NBA.

Tumapos si Curry taglay ang 46 puntos at ang Warriors ay umangat sa 10-0 karta.

Sa first period ay ipinaramdam ng MVP noong nakaraang taon na si Curry na isa uling eksplosibong gabi ito para sa kanya nang nagbagsak siya ng 21 puntos.

Sampung buslo lamang ang kanyang naisablay sa 25 attempts kasama ang kahanga-hangang patabi­nging tira upang makalusot sa depensa ni Andre Miller.

Tila nabutata na ni Miller si Curry pero naibitin pa ng huli ang attempt at gamit ang isang kamay ay na­ka­tira pa.

“I was still kind of in rhythm. It was just kind of a low release,” wika ni Curry sa ginawang buslo.

May walong basket pa na naipasok si Curry sa 3-point line habang ang kakamping si Draymond Green ay kinapos ng dalawang rebounds para sa isang tri­ple-double sa kinamadang 23 puntos, 12 rebounds at 8 assists.

Ang Golden State ang lalabas na ikaapat na kopo­nan na nagsimula sa pagdepensa sa titulo gamit ang 10-0 panimula.

Si Andrew Wiggins ay mayroong 19 puntos at si Karl-Anthony Towns ay naghatid ng 17 puntos at 11 rebounds para sa Timberwolves na natalo sa ikaapat na home games para sa 4-4 karta.

Hindi nakasama ng home team ang mahusay na guard na si Ricky Rubio bunga ng left hamstring.

Sa iba pang laro, pinataob ng Miami Heat ang Utah Jazz, 92-91 at  hiniya ng Phoenix Suns ang Los Angeles Clippers 118-104.

ACIRC

ANDRE MILLER

ANG

ANG GOLDEN STATE

DRAYMOND GREEN

GOLDEN STATE

KARL-ANTHONY TOWNS

LOS ANGELES CLIPPERS

MIAMI HEAT

PHOENIX SUNS

RICKY RUBIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with