Bulldogs binuhay ang tsansa sa Final Four; Eagles binalikan ang Archers
MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdiretso nila sa pang-limang sunod na panalo ay pinatibay ng Ateneo De Manila University ang kanilang pag-asa sa ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four.
Ito ay matapos dispatsahin ng Blue Eagles ang karibal na La Salle Green Archers, 73-62, sa second round ng 78th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nakabawi ang Ateneo mula sa 10-point deficit, 9-19, sa La Salle sa first period nang umarangkada sa second half.
Itinala ng Blue Eagles ang 11-point lead, 55-44, sa pagbungad ng fourth quarter bago nakalapit ang Green Archers, nalasap ang kanilang ikatlong dikit na kamalasan, sa 50-55 sa 7:10 minuto ng laro.
Tinalo ng La Salle ang Ateneo, 80-76, noong Oktubre 4.
Sa unang laro, pinalakas ng nagdedepensang National University ang kanilang tsansa sa Final Four matapos talunin ang University of the Philippines, 75-69.
Kumamada si veteran guard Gelo Alolino ng 12 sa kanyang game-high na 26 points sa fourth quarter.
Mula sa 63-53 abante sa huling apat na minuto ng laro ay kumayod ng 7-0 atake ang Fighting Maroons para makadikit sa 60-63 sa 2:39 minuto nito.
NU 75 – Alolino 26, Aroga 15, Celda 7, Neypes 7, Salim 6, Alejandro 4, Javillonar 3, Yu 3, Javelona 2, Morido 2, Abatayo 0, Diputado 0.
UP 69 – Dario 13, Manuel 13, Desiderio 10, Amar 9, Kone 6, Asilum 4, Gallarza 4, Moralde 4, Harris 2, Lim 2, Longa 2, Jaboneta 0, Juruena 0, Webb 0.
Quarterscores: 13-18; 28-31; 52-42; 75-69.
Ateneo 73 – Pessumal 17, Ravena 15, Black 13, Wong 10, Ma. Nieto 6, Gotladera 5, Ikeh 4, Go 2, Capacio 1, Babilonia 0, V. Tolentino 0, Cani 0. A. Tolentino 0.
La Salle 62 – Rivero 16, Teng 11, Perkins 8, Torralba 8, Torres 6, Muyang 6, Caracut 5, Go 2, Langston 0, Navarro 0, Tratter 0.
Quarterscores: 13-23; 30-35; 53-44; 73-62.
- Latest