Bradley Part 3

Maglalaban ngayong tanghali sa Las Vegas sila Timothy Bradley, Jr. and Brandon Rios na dati nang na­kaharap ni Manny Pacquiao.

Natalo si Pacquiao kay Bradley nung 2012.

Kung naaalala ninyo pa, may milagrong nangyari sa judging kaya natalo si Pacquiao.

Binalikan at tinalo ni Pacquiao si Bradley nung 2014 at bago pa nito ay binugbog din ng ating idol si Rios sa Macau nung 2013.

Ano ang kinalaman natin sa laban nila Bradley at Rios?

Sabi ni Bob Arum, ang promoter ni Pacquiao, po­sibleng magharap pa sila Pacquiao at Bradley sa ikat­long beses.

Iyan ay kung maganda ang ipapakita ni Bradley la­ban kay Rios ngayong tanghali.

Kasama sa pinagpipilian ni Pacquiao na kanyang makakalaban sa April 9 ay sina Amir Khan, isang Pa­kistani na taga-England, at ang Amerikanong si Te­rence Craw­ford.

May mga nagaganap na negosasyon pero sa nga­yon ay wala pang napagkasunduan.

Backup si Bradley.

Kung sakali nga naman na magpakipot si Khan at humingi ng malaki at sabihin ni Pacquiao na hin­di nita type kalaban si Crawford, nandiyan si Bradley.

Kaya nga lang, dapat munang talunin ni Bradley si Rios.

Kapag natalo si Bradley, tapos ang kuwento.

Wala pa raw sa isip ni­ya ang ikatlong laban kay Pacquiao dahil si Rios muna ang kanyang inii­ntindi.

Tama nga naman.

Pero mahirap alisin ni Bradley sa isip niya si Pacquiao dahil kung sa­kali nga naman ay tuma­taginting na pera ang mag­hihintay sa kanya.

Hindi niya kayang ki­tain sa dalawa, tatlo o ka­hit apat na laban pa ang kikitain niya sakaling ma­kaharap niya ulit si Pac­quiao.

Magiging mahina ang $5 milyon kapag si Pacquiao ang nakalaban ni Brad­ley.

Mahirap yata itong ali­sin sa isip.

Imposible.

Show comments