Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)
5 p.m. – PLDT vs Air Force
MANILA, Philippines – Hindi hinayaan ng IEM Volley Masters na mauwi sa wala ang ensayong inilagay para sa Spikers’ Turf Reinforced Conference nang tapusin ang tatlong sunod na pagkatalo sa pamamagitan ng 25-19, 25-23, 26-24 panalo sa Sta. Elena Wrecking Balls kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Nagamit ng IEM ang kanilang karanasan laban sa baguhang Sta. Elena para makuha ang dikitang panalo sa ikalawa at ikatlong sets tungo sa unang panalo.
Si Michael Ian Conde ay may 11 kills, 3 blocks at isang ace tungo sa 15 puntos, habang sina Eden Canlas ay may 10 puntos.
Ang panalo ay nagpanatiling bukas sa pintuan para sa IEM na umabante sa kompetisyon at kailangan nilang manalo sa huling laro at umasahang hindi lumampas sa dalawang panalo ang PLDT Home Ultera Fast Hitters at Navy Sailors.