^

PSN Palaro

Pacquiao, Mahindra knockout sa Alaska

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Philsports Arena Pasig City)

3 p.m. Globalport vs Barako Bull

5:15 p.m. Star vs NLEX

MANILA, Philippines – Nakasama si playing coach Manny Pacquiao sa starting five ng Mahindra at naglista ng 0-of-4 fieldgoal shooting sa loob ng 6:55 mi­nuto.

At hindi ito naging moti­basyon ng Enforcers na nagresulta sa 98-94 panalo ng Alaska Aces sa 2015 PBA Philippine Cup noong Sabado ng gabi sa Al Wasl Sports Club sa Dubai, Uni­ted Arab Emirates.

Sumosyo ang Alaska sa Rain or Shine sa liderato sa magkatulad nilang 3-0 baraha kasunod ang NLEX (2-0), nagdedepensang San Miguel (2-1), Barako Bull (1-1), Globalport (1-1), Talk ‘N Text (1-1), Star (1-2), Blackwater (1-2), Meralco (0-2), Barangay Ginebra (0-2) at Mahindra (0-3).

Umasa ang Aces kina JVee Casio, Vic Manuel at Calvin Abueva matapos makatabla ang Enforcers sa 87-87 sa huling 1:27 mi­nuto ng fourth period.

Pinamunuan ni Manuel ang Alaska sa kanyang 17 points at humakot si Abu­eva ng 15 markers at 13 rebounds.

Lumamang ang Aces ng 15 puntos sa first half ba­go nakatabla ang Enfor­cers sa 87-87.

Kasalukuyan pang ni­lalabanan ng Alaska ang Ba­rangay Ginebra habang isinusulat ito.

Samantala, nakatakdang sagupain ng NLEX ang Star nga­yong alas-5:15 ng hapon matapos ang sal­pukan ng Barako Bull at Globalport sa alas-3 sa Philsports Arena sa Pasig City.

Alaska 98 – Manuel 17, Abueva 15, Casio 12, Baguio 8, Thoss 7, De­la Rosa 7, Menk 7, De­la Cruz 6, Hontiveros 6, Jazul 5, Banchero 4, Ma­gat 4, Baclao 0, Excimi­niano 0.

Mahindra 94 – Revilla 19, Yee 17, Canaleta 12, Ramos 12, Bagatsing 8, Guinto 6, Pinto 5, Paredes 5, Laure 4, Hubalde 4, Webb 2, Pacquiao 0, Ba­loria 0, Alvarez 0.

Quarterscores: 31-22; 53-40; 70-66; 98-94.

ACIRC

AL WASL SPORTS CLUB

ALASKA ACES

ANG

ARAB EMIRATES

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

GLOBALPORT

MAHINDRA

SHY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with