Raptors pinagulong ang Mavs
DALLAS – Nasa kanilang pinakamagandang regular season sa franchise history, ipinoste ng Toronto Raptors ang 4-0 record sa kauna-unahang pagkakataon.
Kumamada si Kyle Lowry ng 27 points at tinalo ng Raptors ang Dallas Mavericks, 102-91 kahapon sa American Airlines Center.
Tumipa si Lowry ng 9-for-15 fieldgoal shooting kasama ang 4-for-5 sa three-point range at nagdagdag ng 10 assists, 3 steals at 2 blocks.
“We are off to great start,” sabi ni Toronto coach Dwane Casey. “But we have to remember that this is a marathon, not a sprint.”
Gumamit ang Raptors ng isang 12-0 atake sa fourth quarter para tuluyan nang kontrolin ang laro para sa pagsisimula ng kanilang four-game road trip.
Noong nakaraang season ay nanalo ang Raptors ng 49 games.
“We just want to go out there and win every opportunity we get,” pahayag ni DeMar DeRozan sa Raptors.
Mula sa 82-86 pagkakaiwan sa Dallas ay nag-init ang Toronto para agawin ang 92-86 bentahe para tiyakin ang kanilang panalo.
Tumapos naman si Dirk Nowitzki na may 18 points ngunit nalimita sa opensa sa second half sa panig ng Mavericks.
Sa iba pang resulta, pinabagsak ng Charlotte Bobcats ang Chicago Bulls, 130-105; umiskor ang Indiana Pacers ng 94-82 panalo laban sa Detroit Pistons; pinigil ng Atlanta Hawks ang Miami Heat, 98-92; tinakasan ng Orlando Magic ang New Orleans Pelicans, 103-94; pinatumba ng Memphis Grizzlies ang Sacramento Kings, 103-89; at dinaig ng Denver Nuggets ang Los Angeles Lakers, 120-109.
- Latest