Blackwater itinakas ni Lastimosa
Laro Bukas (Dubai, UAE)
7 p.m. Mahindra vs Alaska
MANILA, Philippines – Hindi naitago ni coach Leo Isaac ang kanyang kasiyahan.
Ito ay dahil sa pagtatala ng Blackwater ng kanilang unang panalo sa 2015 PBA Philippine Cup matapos takasan ang beteranong Meralco, 92-90, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kagabi.
At may dapat ipagpasalamat si Isaac kay guard Carlo Lastimosa.
Iniwanan ni Lastimosa si Rey Guevarra at isinalpak ang kanyang banked shot sa harap ni Jared Dillinger sa huling dalawang segundo para sa tagumpay ng Elite.
“Knowing Carlo Lastimosa he’s been doing that,” sabi ni Isaac sa pamangkin ni PBA great Jojo Lastimosa. “When he took that shot from the release point to the glass, good thing Carlo had that presence of mind.”
Naglista ang Blackwater ng 0-11 baraha sa nakaraang Philippine Cup
“Ang sarap. This is our first win sa All-Filipino dahil last year 0-11 kami,” sabi ni Isaac. “Finally, we got a win and we hope that things will be on our favor.”
Kinuha ang Elite (1-2) ang 18-point lead, 63-46, sa kalagitnaan ng third quarter bago makatabla ang Bolts (0-2) sa 84-84 mula sa three-point shot ni Dillinger sa 3:44 minuto ng fourth period.
Naagaw ng Meralco ang 87-84 abante galing sa basket ni Gary David sa 2:40 minuto bago muling mapasakamay ng Blackwater ang unahan, 90-87, mula sa tres ni Reil Cervantes at free throw ni Lastimosa sa huling 14 segundo.
Naitabla ni Cliff Hodge ang Bolts sa 90-90 sa pamamagitan ng kanyang tres sa huling anim na segundo kasunod ang winning basket ni Lastimosa para sa Elite.
Tumapos si Lastimosa na may 11 points sa ilalim ng 14 ni center JP Erram at tig-12 nina Cervantes, Mike Cortez, Bambam Gamalinda at JR Sena.
Samantala, kasalukuyan pang naglalaban ang nagdedepensang kampeong San Miguel Beer at Rain or Shine habang sinusulat ang balitang ito.
Blackwater 92 - Erram 14, Cervantes 12, Cortez 12, Gamalinda 12, Sena 12, Lastimosa 11, Agovida 9, Canada 3, Reyes 3, Ballesteros 2, Dela Cruz 2, Vosotros 0.
Meralco 90 - David 23, Dillinger 15, Hodge 13, Al-Hussaini 10, Alapag 7, Guevarra 7, Newsome 7, Hugnatan 4, Buenafe 2, Caram 2, Amer 0, Faundo 0, Nabong 0.
Quarterscores: 26-16; 48-33; 69-63; 92-90.
- Latest