2 gold uwi ni Lambunao sa Taiwan Memory Championship

MANILA, Philippines – Nanalo ng dalawang ginto ang 15-anyos na si Jamyla Lambunao sa idinaos na Taiwan Memory Championships sa Tao­yuan City, Taiwan.

Si Lambunao ay nanalo sa Random Words at Spoken Numbers  bukod pa sa dalawang pilak sa Names & Faces at Speed Numbers para bigyan ng kinang ang pagsali ng bansa sa torneo.

Si Filipino Grandmaster of Memory Mark Anthony Castañeda ay kumuha rin ng dalawang pilak sa Open Division sa larangan ng Names and Faces at Spoken Numbers. Pumangatlo rin siya sa Historic Dates.

Sumali  rin ang Pilipinas sa Kids division at si Jan Jelo Juanir ay kumulekta ng 4-ginto, 2-pilak at 1-tansong medalya.

Ang Avesco Marke­ting Corporation at sina Marikina City Mayor Del de Guzman, Cong. Miro Quimbo, Cong. Marcy Teodoro at mga District 2 Councilor ang nagpondo sa delegasyon na binuo rin nina Joel Micus Lolong, Dorothy Elenzano, Nico Angelo Esperanza, Ri­chard Stephen Sarcos, Philip John Benitez at  Axel­­yancy Tabernilla.

Show comments