^

PSN Palaro

PSL players ‘di na puwedeng lumaro sa ibang liga kung...

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na pahihintulutan ng Philippine SuperLiga (PSL) ang kanilang manla­laro na sumali sa ibang liga sa women’s volleyball.

Ito ay kung matutuloy ang plano na itali ang mga PSL players sa isang taon na kontrata.

Napag-iisipan ng mga kasaling koponan ang bagay na ito dahil sa pi­naigting na kalendaryo para sa 2016.

Ang ipinaiiral ngayon ay per conference ang sahod ng mga manlalaro upang magkaroon pa sila ng pagkakataon na makapaglaro sa ibang liga.

Kailangang matiyak ng mga mother teams na sa kanila lamang maglalaro ang mga players dahil magiging tatlo ang kompetisyon sa indoor volleyball habang hindi  bababa sa dalawa ang aksyon sa beach volleyball sa susunod na taon.

Sa Pebrero magsisimula ang PSL season sa isang invitational tournament habang ang unang opisyal na torneo ay ang All-Filipino Conference sa Hunyo.

Ang mga baguhan mula sa mga collegiate leagues sa UAAP at NCAA ay magpapakitang-gilas sa nasabing conference.

Ang Grand Prix na kinatatampukan ng mga mahuhusay na imports ay balak isulong sa bandang Oktubre.

May dalawang beach volleyball tournaments ang gagawin sa buwan ng Mayo at Disyembre.

Bukod sa mga local tournaments, magiging abala rin ang PSL sa hosting ng AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship at kung ibibigay, ang FIVB World Women’s Club Volleyball Championship.

ACIRC

ALL-FILIPINO CONFERENCE

ANG

ANG GRAND PRIX

ASIAN WOMEN

BUKOD

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

DISYEMBRE

MGA

SA PEBRERO

WORLD WOMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with