^

PSN Palaro

Hot na Hot

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Hiyawan ang mga tao sa Araneta Coliseum nung Linggo nang umapak sa court si Manny Pacquiao.

Mas malakas ang hiyawan nang maka-shoot si Pacman.

Pati ang aking katoto sa Pacquiao coverage na si Gerry Ramos ay napaisip bakit ganun kainit ang pag­tanggap ng mga PBA fans kay Pacquiao.

Hindi naman ito first time.

May kinalaman kaya ito sa darating na eleksyon?

Hindi rin niya masagot.

Pero medyo nagulat nga raw ang kapwa ko sports- writer kung bakit mukhang iba ang reaction ng tao nang makita si Pacquiao.

Baka nga senyales ito na approve sa kanila ang pagtakbo nito sa May 2016 kung saan inaasinta niya ang Senado.

Mataas ang rating ni Pacquiao sa mga survey at puwede pa ito mag-improve sa mga darating na araw.

Maraming advantage si Pacquiao sa ibang kandi­dato.

Unang-una, lumalabas siya sa radyo, TV at mga lumang komiks kahit na hindi niya ito hingin. At mas kilala siya kahit sa ibang bansa.

Marami-rami rin ang Pinoy na boboto mula sa ibang bansa gaya ng America at Middle East o kaya ay sa Hong Kong, Japan at maging sa Europa.

Panay ang alis ni Pacquiao ng bansa. Pasyal dito, pasyal doon.

Kelan lang ay nasa Japan at New York siya at sa Doha, Qatar. Sa susunod na linggo ay tutulak siya patungong Dubai kung saan nagkalat ang mga Noypi.

May plano rin siyang lumipad papuntang Greece, Israel at Switzerland. Dudumugin na naman siya.

Minsan pa ay pumunta siya sa Indonesia para yaka­pin si Mary Jane Veloso na muntik nang bitayin. Dramatic ang eksena.

Hindi ko sinasabing parte ito ng kampanya.

Pero pogi points pa rin.

ACIRC

ANG

ARANETA COLISEUM

GERRY RAMOS

HONG KONG

MARY JANE VELOSO

MIDDLE EAST

NEW YORK

PACQUIAO

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with