Growee basketball camp itinakda sa October 30

MANILA, Philippines – Magdaraos ang Trizach Events at Share D Ball, sa pakikipagtulu­ngan sa Sta. Lucia Mall, ng isang basketball clinic na tinawag na ‘GROWEE BASKETBALL CAMP’ sa Oktubre 30 kung saan maaaring sumali ang mga partisipante sa mga side events kagaya ng 3x3 at three-point shootout.

Ang event ay gagawin sa Entertainment area ng Sta. Lucia Mall mula ala-1 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ito ay libre sa publiko at kailangan lamang magdala ng 250ml kahon ng Growee bago magpatala sa alas-11 ng umaga.

Si Randy Alcantara, ang coach ng Mapua Red Robins sa NCAA, bilang Share D Ball director, ang gagabay sa mga kalahok na may edad 12-anyos pababa.

Magkakaroon din ng meet and greet portion sa mga bibisitang PBA, UAAP at star players ng Mapua Cardinals.

Ang batang kalahok ay bibigyan ng t-shirt at freebies sa event na suportado ng Sta Lucia Mall (the lar-gest mall in Metro East), Sta. Lucia Healthcare Centre, Accel, Wendy’s-Sta Lucia branch, Tobys, Wilson, Lifeline Spenco, San Mi­guel Corp, Rockman Studio; Timeless Moments Studio at Stage21.

Para sa mga mga interesado ay maa­aring tumawag sa 09494591223, 09178201549 at 0905­5230608.

Show comments