^

PSN Palaro

MMA tourney pinalawig ng SAFC

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Idaraos ng Southeast Asia Fighting Championship (SAFC) ang kanilang unang mixed martial arts meet sa Nobyembre 20-22 sa Venus Hotel and Sports Club sa Clark, Pampanga.

Imbes na regular na one-day event, pinalawig ito sa tatlong araw para sa pagsisimula ng serye kung saan ang championship fight ay nakatakda sa susunod na taon.

Lalabanan ni Rex De Lara ng MUMMA/Fight Factory si Francis Rod Romero ng Safehouse sa main match sa Nobyembre 20.

Kapwa dumalo sina De Lara at Romero kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate kasama sina National Muaythai Kickboxing Council of the Philippines (NMKBCP) secretary-general Emmanuel Cabrera Jr. at president-promoter Master Emmanuel Sabrine.

“We’re introducing the tournament on Nov. 20 and from there, we’ll have our qualifying rounds. E­very week yan, tuluy-tuloy na,” sabi ni Cabrera sa sesyon na inihahandog ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s at Philippine Amusement and Gaming Corp.

Ang lahat ng survi­vors sa weekly quali­fiers ang maglalaban sa grand championship kung saan ang mananalo ang mabibigyan ng tsansang sumabak sa dual meet ng Pilipinas laban sa Korea.

Ang Fontana Apollon Korea Country Club, FA Korea C.C. Golf Course at mga Korean businessmen ay bahagi ng SAFC sa pakikipagtulungan sa Venus Hotel and Sports Club at NMKBCP.

“We expect the grand championship to take place by next year.”

ACIRC

ANG

ANG FONTANA APOLLON KOREA COUNTRY CLUB

DE LARA

EMMANUEL CABRERA JR.

FIGHT FACTORY

FRANCIS ROD ROMERO

GOLF COURSE

KOREA C

MASTER EMMANUEL SABRINE

VENUS HOTEL AND SPORTS CLUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with