^

PSN Palaro

Rematch?

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Kay Freddie Roach mismo nanggaling ang balita na may negosasyon ngang nagaganap sa pagitan ni Manny Pacquiao and Floyd Mayweather Jr.

Gaya ng napaulat kelan lang, posibleng maganap ang rematch next year.

Nabisita natin si Roach sa kanyang Wild Card Gym sa Los Angeles dalawang linggo pa lang ang nakakalipas at mahaba ang naging kwentuhan.

Natanong namin sa kanya kung posibleng maganap ang rematch.

Nagsalita kasi si Pacquiao na nakakausap niya si Mayweather. Pero binago niya ang kanyang tono. Hindi raw sila nag-uusap.

Dito pumasok si coach Freddie.

Marami nga raw siyang nadidinig na sikretong nag-uusap ang dalawang superstars.

Retired na si Mayweather. Pero kung malaking salapi ulit ang ilalatag sa harap niya ay malamang mag­bago ang isip niya.

Ayon pa kay coach, matutuloy ang rematch kung kakalas si Pacquiao sa kanyang promoter na si Bob Arum. Hanggang sa dulo ng 2016 ang kontrata niya kay Arum.

Ewan ko lang kung papayag si Uncle Bob na ma­wala sa eksena.

Ang sabi pa kasi ni coach, ang gusto mangyari ni Mayweather ay tanging siya lang at si Pacquiao at ang HBO ang mag-uusap.

Expired na ang kontrata ni Mayweather sa Show­time. At kung babalik siya para sa rematch kay Pacquiao ay malamang pumayag siya sa HBO.

Aabangan pa rin ng mga tao ang rematch dahil gusto nilang  makita kung ano ang magiging resulta ng  laban pag sumampa si Pacquiao sa ring na walang injury.

Baka hindi nila ma-match ang mahigit apat na mil­yon na benta sa pay-per-view. Pero kung mangalahati man lang sila ay biggest fight of the year pa rin ito.

Yan ang chika ni coach Freddie.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BOB ARUM

FREDDIE

KAY FREDDIE ROACH

KUNG

LOS ANGELES

MANNY PACQUIAO AND FLOYD MAYWEATHER JR.

MAYWEATHER

PACQUIAO

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with