Cavaliers handa nang bitbitin ni James vs Bulls

CLEVELAND – Hindi naglaro si LeBron James sa huling preseason game ng Cavaliers laban sa Dallas Mavericks.

Ngunit sinabi ni Cavaliers coach David  Blatt na magi­ging handa ang four-time MVP sa pagbubukas ng NBA regular season sa susunod na linggo.

Sapul noong Oktubre 12  ay hindi na nakita sa aksyon si James, tinurukan ng anti-inflammatory sa kanyang likod noong nakaraang linggo.

Lalabanan ng Cavs ang Bulls sa Chicago sa Oct. 27.

“He will absolutely be ready for the season ope­ner,” paniniyak ni Blatt kay James.

Hindi nakita si James sa 13 laro sa nakaraang season bunga ng kanyang back at knee issues.

Maglalaro ang 30-an­yos na si James sa kanyang ika-13 season at na­igiya ang Miami Heat at Cavaliers sa limang sunod na NBA Finals.

Nagtala ang Cleveland ng 0-6 record sa preseason dahil sa fractured left kneecap ni Kyrie Irving na nangyari sa Game 1 ng nakaraang NBA Finals at hindi pa alam kung kailan siya maglalaro.

Kasama naman ang nagbabalik na si Kevin Love, nagkaroon ng dislocated left shoulder sa ope­ning round ng nakaraang playoffs, sa lineup ng Cavaliers kontra sa Mavericks.

Show comments