Adamson player pinatawan ng one-game suspension
Laro Bukas (Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. NU vs Adamson
4 p.m. UST vs Ateneo
MANILA, Philippines – Kagaya ng dapat asahan, pinatawan ng UAAP si Joseph Nalos ng Adamson University ng one-game suspension.
Ito ay dahil sa pagbalibag ni Nalos kay Vince Tolentino ng Ateneo sa 5:23 minuto sa third quarter sa 87-72 tagumpay ng Blue Eagles sa Falcons sa second round ng 78th UAAP men’s basketball tournament noong nakaraang Sabado.
Kaagad na pinatalsik ng mga game officials si Nalos sa nasabing laro mula sa itinawag na disqualifying foul.
“Per Rule VI.B, an athlete who is thrown out of or ejected from any game is automatically suspended in the immediately succeeding game,” wika ni Saguisag.
Matapos ibalibag ni Nalos si Tolentino ay kaagad namang sumaklolo si Ateneo star guard Kiefer Ravena at itinulak ang Adamson stalwart sa sahig.
Tinawagan si Ravena ng unsportsmanlike foul.
Hindi makakalaro si Nalos sa pagharap ng Falcons sa nagdedepensang National University Bulldogs bukas sa Smart Araneta Coliseum.
Nauna nang nasuspinde si Adamson coach Mike Fermin noong Setyembre 23 sa first round kontra sa NU.
Kasalukuyang magkasosyo sa liderato ang Far Eastern University at University of Sto. Tomas sa magkatulad nilang 8-1 kartada.
Nasa ilalim nila ang Ateneo (5-4), La Salle (5-4), NU (3-6) University of the East (3-6), University of the Philippines (3-6) at ang sibak nang Adamson (1-8).
- Latest