^

PSN Palaro

MVP interesadong mag-bid muli sa Olympic qualifier

QHenson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Nagpahayag na si Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pa­ngilinan ng kanyang intensyong mag-bid para sa isa sa tatlong Olympic qualifiers sa Hulyo 5-10, 2016.

Ang minimum bid para pamahalaan ang isang Olympic qualifying tournament, maglalaan ng tatlong tiket para sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil, ay P91.4 milyon.

“Insane as this may sound,” sabi ni Pangilinan, “I’m actually inclined to go for a bid.  We need that sixth man to help the team out against really formidable opponents.  And you must know me by now; I will labor and persist until our country achieves its goal.”

Ang ilan sa mga sinasabing magbi-bid ay ang Canada, Mexico, Italy, Turkey at Russia. Dahil sa seryosong pagbi-bid sa Olympic qualifier ay kinumpirma na rin ni Pangilinan ang paglahok ng Gilas Pilipinas sa naturang torneo.

 Ang pangarap ni Pangilinan ay ang maibalik ang Pilipinas sa basketball event ng Olympics.

Huling nakasali ang mga Pinoy sa Olympic basketball noong 1972 sa Munich ngunit hawak ang record para sa pinakamataas na tinapos ng isang Asian country.

Ito ang fifth place finish noong 1936.

“Yes, with all of MVP’s passion, puso and resources,” wika ni SBP vice chairman Ricky Vargas.  “Para sa bayan that yes, we can.”

Ayon kay Meralco senior vice president at PBA governor Al Panlilio, nagpadala na si Pangilinan ng mensahe kina SBP executive director Sonny Barrios at deputy executive director for international affairs Butch Antonio.  

Nasa opisina ng SBP si Antonio para ayusin ang ilang dokumento na magkukumpirma sa partisipasyon ng bansa sa Olympic qualifiers pati na ang pagbi-bid sa isa sa tatlong torneo nito.

Sinabi ni FIBA communications director Patrick Koller na ang deadline para magkumpirma ng partisipasyon at intent to bid ay sa Oktubre 19.

Ayon kay Koller, tatanggapin ng FIBA ang isang Asian country na maging host ng isa sa tatlong Olympic qualifiers.

At maaaring ikunsidera ang Pilipinas bilang serious bidder dahil sa ipinakita nitong laro sa FIBA World Cup sa Spain noong 2014.

Ngunit walang ibinigay na kasiguruhan si Koller kung makakapag-host ang isang Asian country ng Olympic qualifier.

Ang bidding process ay magtatapos sa Nobyembre. 23 kung kailan ihahayag ng FIBA Executive Committee ang tatayong hosts ng tatlong Olympic qualifiers.

ACIRC

AL PANLILIO

ANG

AYON

BID

BUTCH ANTONIO

EXECUTIVE COMMITTEE

GILAS PILIPINAS

OLYMPIC

PANGILINAN

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with