MANILA, Philippines – Upang lumaki ang tsansang makapasok sa 2016 Rio Olympics, inaprubahan ng PBA board of governors ngayong Miyerkules ang 17 manlalarong sasabak sa qualifiers sa susunod na taon.
- Calvin Abueva
- Gabe Norwood
- Jayson Castro
- Ranidel de Ocampo
- Matt Ganuelas-Rosser
- Marc Pingris
- Terrence Romeo
- Junmar Fajardo
- Marcio Lassiter
- Japeth Aguilar
- LA Tenorio
- Greg Slaughter
- Jeff Chan
- Paul Lee
- Ryan Reyes
- Troy Rosario
- Ian Sangalang
“The PBA commits to fully support the formation of the Philippine national team that will participate in the wildcard Olympic qualifying tournament on July 5-10,” pahayag ni PBA board chairman Robert Non.
Bukod sa pagpapahiram ng mga manlalaro ay aayusin din ng PBA ang kanilang schedule upang bigyang daan ang paghahanda ng Gilas Pilipinas.
“The PBA is adjusting the third conference which shall start after the end of the qualifying tournament on July 10, 2016,” sabi pa ni Non.
“The PBA shall allow the PBA players so selected to attend practice sessions once a week, specifically every Monday for 28 weeks starting November, 2015.”
Tatlong slot lamang sa qualifiers ang pag-aagawan ng mga lalahok sa wildcard round.
Bigong makakuha ng diretsong biyahe ang Pilipinas patungong Olympics matapos matalo sa China sa FIBA Asia 2015.