Amir Khan dismayado kay Pacquiao, umatras sa kinakasang bakbakan

MANILA, Philippines – Tila maikli ang pisi ng Briton na boksingerong si Amir Khan pagdating sa negosasyon sa kaniyang mga laban.

Ayon sa ulat ng The National, umatras na si Khan sa kinakasang bakbakan nila ni eight-division champion Manny Pacquiao.

"I'm really disappointed in Manny and his team," wika ni Khan sa pahayagan.  "They aren't playing ball. All that was left to do is to sign the contract. But they are stalling.”

Gumulong ang negosasyon sa pagitan ng dalawang kampo matapos hindi pansinin ng kampo ni Floyd Mayweather Jr. ang hamon ni Khan.

"I have pulled out of the negotiations. I am no longer fighting Manny Pacquiao. I am not going to wait around for Manny like I did for Mayweather. I need to fight and if they don't want to fight then that's fine, I have other targets," dagdag niya.

Magkaibigan si Pacquiao at Khan, kung saan naging sparring mate pa ng Pinoy boxer ang Briton.

Sa Twitter account naman ni Khan ay mukhang hindi naman niya isinasara ang kaniyang pintuan.

Sinabi ni Pacquiao na nasa 80-90 percent nang gumagaling ang kaniyang kanang balikat na na-injure sa bakbakan nila ni Mayweather.

Magbabalik kondisyon ang Filipino boxing icon sa Nobyembre o Disyembre.

 

Show comments