Lady Eagles naudlot sa semis

MANILA, Philippines – Inagaw ng Ateneo ang solong liderato matapos talunin nina Alyssa Valdez at Bea Tan sina Mylene Paat at Jessica Galanza ng Adamson, 21-13, 21-15 sa 78th UAAP women’s beach volleyball tournament kahapon sa Sands SM By The Bay.

Ngunit kinahapunan ay natalo naman sina Valdez at Tan kina Cyd De­mecillo at Kim Fajardo ng La Salle Lady Archers mula sa come-from-behind win, 11-21, 21-16, 15-12.

Dahil sa 4-1 record ay nadiskaril ang pagpasok ng Ateneo sa semifinal round.

Itinala rin ng FEU ang 3-1 marka nang gibain nina Bernadeth Pons at Kyla Atienza sina Jaja Santiago at Jasmine Nabor ng National University, 21-12, 21-12. 

Show comments