^

PSN Palaro

Red Cubs diretso sa NCAA Finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Winalis ng San Beda Red Cubs ang double-round elimination para du­mi­­retso sa finals ng 91st NCAA high school basketball tournament.

Pinatumba ng Red Cubs ang Letran Squires, 76-67, para iposte ang 18-game sweep kamakalawa ng gabi sa The Arena San Juan City.

Dahil sa kanilang pag-entra sa finals ay may pagkakataon ang Red Cubs na targetin ang kanilang pang-pitong sunod na korona.

Sumandig ang Red Cubs relied kina Joshua Ta­gala, John Lagumen at Eduardo Velasquez na ku­mamada ng 14, 13 at 11 points, ayon sa pagkaka­sunod, para gibain ang Squires.

Mula sa malamyang first period ay inilayo ng Red Cubs ang sarili sa Squires sa halftime, 36-28.

Ang kanilang atake sa third quarter ang tuluyan nang nagbigay sa kanila ng ika-18 sunod na panalo.

“We had a slow start but our bench stepped up to help us turn things around,” sabi ni Red Cubs’ coach JB Sison.

Si Sison ang tumulong sa Red Cubs na makuha ang dalawa sa anim na ti­tulong inangkin.

Sa finals ay kailangan la­mang ng Red Cubs na ma­nalo ng dalawang beses para tuluyan nang sakmalin ang kanilang pang-pitong sunod na korona.

Inamin ni Sison na hindi nila hinangad ang sweep.

Ang huling finals slot ay pag-aagawan naman ng No. 2 Mapua (15-3), No. 3 Arellano (12-6), Lyceum of the Philippines at La Salle-Greenhills.

Maglalaro ang Lyceum at LSGH sa sudden death match para sa No. 4 seat sa stepladder semifinals.

ACIRC

ANG

ARENA SAN JUAN CITY

CUBS

EDUARDO VELASQUEZ

JOHN LAGUMEN

JOSHUA TA

LA SALLE-GREENHILLS

RED

RED CUBS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with