^

PSN Palaro

Pangilinan, SBP Board magpupulong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaasahang tatalakayin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang plano para sa paghahabol sa tiket sa 2019 FIBA World Cup .

Maaari ring pag-usapan ng SBP Board ang desis­yon kung ipapadala ang G­ilas Pilipinas o hindi sa Olympic World Qualifier sa Hulyo ng susunod na taon.

Nabigo ang Nationals na masikwat ang nag-iisang silya para sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janerio, Brazil nang matalo sa nagkampeong China sa 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha.

Nauna nang nagpulong sina SBP president Manny V. Pangilinan at chairman Oscar Moreno kasama ang mga board members li­mang araw matapos matalo ang Gilas Pilipinas sa China.

Sa pag-angkin sa silver medal ng nasabing Asian meet ay nakakuha ang ban­sa ng puwesto para sa Olympic World Qualifier.

Kamakailan ay sinabi ni Pangilinan na hindi na isa­salang ng SBP ang Na­tionals sa naturang Olympic Qualifier dahil sa mas bigating koponan na kalahok.

Mas gusto ni Pangilinan na paghandaan ang qualifying tournament para sa 2019 FIBA World Cup na pamamahalaan ng China.

ACIRC

ANG

ASIA CHAMPIONSHIP

GILAS PILIPINAS

MANNY V

OLYMPIC GAMES

OLYMPIC QUALIFIER

OLYMPIC WORLD QUALIFIER

OSCAR MORENO

PANGILINAN

WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with