Warriors giniba ang Raptors sa preseason game

Nagpilit kumawala si Stephen Curry ng Warriors sa depensa ni Cory Joseph ng Raptors.

SAN JOSE, Calif. - Umiskor si Leandro Barbosa ng 15 points, habang may 14 si Klay Thompson para tulungan ang NBA champion na Golden State Warriors sa 95-87 panalo laban sa Toronto Raptors sa isang preseason game.

Bumandera naman si DeMarre Carroll para sa Rap­tors sa kanyang 15 mar­kers kasunod ang 12 ni DeMar DeRozan.

Nakuha ni NBA MVP Stephen Curry ang kanyang ikaanim at huling foul sa 6:25 minuto sa third quarter.

Tumapos siya na may 14 points mula sa 5-of-7 fieldgoal shooting kasama ang 3-of-5 clip sa three-point line.

Susunod na lalabanan ng Warriors ay ang Trail Bla­zers sa Portland sa Hu­webes, habang makaka­tapat ng Raptors ang  Los An­geles Lakers sa Ontario, California.

Sa Portland, Oregon, ku­mamada si Marco Belinelli ng 32 points, tampok dito ang apat na 3-pointers, para pangunahan ang Sacramento Kings sa 109-105 overtime win kontra sa Trail Blazers.

Tumapos naman si DeMarcus Cousins na may 22 points para sa Kings, na­bigong makaabante sa playoffs matapos magtala ng 29-53 record sa nakaraang season.

Naglista si guard Damian Lillard ng 17 points sa panig ng Blazers.

Matapos magposte ng 21-point lead sa first half, ay kinuha ng Blazers ang 56-41 sa halftime.

Sa huling 4:52 minuto ay tumipa si Belinelli ng isang 25-foot 3-pointer para itabla ang Kings sa 89-89 bago nauwi sa overtime ang laro sa iskor na 97-97.

Binuksan ni Tim Frazier ang extra period sa kan­yang four-point play para ibigay sa Blazers ang 102-97 abante.

Ang huling tres ni Beli­nelli ang nag-angat sa Kings sa 104-102 sa ilalim ng huling dalawang minuto ng laro.

Show comments