MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang mga panatiko ng Philippine SuperLiga (PSL) na makakita ng mga mahuhusay na imports na bihasa sa paglalaro sa international competition sa gaganaping 2015 PSL Grand Prix.
Mangunguna sa mga banyagang manlalaro na tiyak na hahangaan ay si Lynda Morales na maglalaro sa RC Cola-Air Force.
Ang 6’1 middle blocker ay kasapi ng Puerto Rico women’s national team at kasalukuyan pang naglalaro sa World Grand Prix sa Turkey.
Sa Biyernes pa ang dating ng 6’1 player o isang araw bago sumambulat ang palarong inorganisa ng SportsCore sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna
Ang iba pang tututukan ay sina Bojana Todorovic ng Philips Gold at Christina Alessi ng Meralco.
Si Todorovic ay isang 5’11 outside hitter na naglaro sa US NCAAA Division I sa University of California-Los Angeles (UCLA) at nagkampeon sila noong 2011. Makakasama niya si 6’5 Alexis Olgard para sa RC Cola-Air Force.
Si Alessii naman ay isa ring US NCAA player na naglaro sa Pam Beach Atlantic University at dinala niya ang galing sa paglalaro ng volleyball sa Sweden bilang import. Katambal niya si Liis Kullerkann ng Ohio University.
Ang iba pang mga bisitang manlalaro ay sina Rupia Inck at Erica Adachi ng Petron, Ketie Messing at Lindsay Stalzer ng Foton at Amanda Anderson at Ariel Usher ng Cignal.