^

PSN Palaro

Argentinian slugger puwede kay Pacquiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hanggang wala pang pir­mahang nangyayari sa kanilang fight contract ay hindi pa rin magiging opis­yal ang bakbakan nina Man­ny Pacquiao at Briton star Amir Khan.

Kung hindi mapaplan­tsa ang naturang laban sa Pebrero ng susunod na ta­on ay may mga pangalan pang puwedeng pagpilian si Bob Arum ng Top Rank Pro­motions.

Isa sa maaaring laba­nan ni Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) ay si Lucas Matthysse (36-3-0, 34 KOs) ng Argentina.

Sinabi ni Arum na kung ma­nanalo si Matthysse laban kay Victor Postol (27-0-0, 11 Kos) ng Ukraine sa Linggo para sa bakanteng WBC light welterweight title sa Linggo sa StubHub Center sa Carson, California ay posible niya itong ita­pat kay ‘Pacman’.

“He’s an exciting guy and he’s gotten a lot of ex­posure and he would assure everybody that it would be a very exci­ting match,” sabi ni Arum kay Matthysse na kilalang wa­lang inuurungan.

Sakaling maitatakda ang laban nina Pacquiao at Matthysse ay gagawin ito sa 144-pound catchweight.

“We would do it like at 144-pound catchweight. Manny’s not a true welterweight,” wika ni Arum.

Hangad din ni Matthy­s­se makala­ban ang mga kagaya ni Pac­quiao.

“My inspiration is to be a world champion, to fight the best fights. That’s ins­piration for me,” sabi ng Ar­gentinian boxer.

Inamin ni Arum na may negosasyon nang nangya­yari sa kanila ng kampo ni Khan (31-3-0, 18 KOs).

Subalit iginiit na hindi pa ito napapanalisa.

“There’s certainly have been discussions with him but I wouldn’t say he’s the frontrunner,” paglilinaw ng pa­mosong promoter.

Bukod kina Khan at Mat­thysse, ang iba pang nasa listahan ni Arum pa­ra sa susunod na laban ni Pacquiao ay sina Kell Brook (35-0-0, 24 KOs) at Terence Crawford (25-0-0, 17 KOs).

Noong Lunes ay sumailalim si Pacquiao sa isang MRI para sa inoperahan ni­yang kanang balikat.

Nangako si Pacquiao na kaagad niyang ipapadala ang naturang resulta ng MRI kina Arum at surgeon Neal ElAttrache ng Kerlan-Jobe Orthopaedic Clinic sa Los Angeles.

Ayon kay Arum, ka­i­la­ngan muna niyang makita ang MRI result ni Pacquiao bago ayusin ang susunod na laban ng Filipino boxing superstar.

ACIRC

AMIR KHAN

ANG

ARUM

BOB ARUM

KELL BROOK

KERLAN-JOBE ORTHOPAEDIC CLINIC

LINGGO

MATTHYSSE

PACQUIAO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with